^

PM Sports

Ten Ten Forty bumandera sa PHILRACOM-RBHS Class 4

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Ten Ten Forty ang tikas nito sa largahan matapos manalo ng banderang tapos kahapon sa PHILRACOM - RBHS Class 4 (Split 16-21) na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sinunggaban ng Ten Ten Forty ang unahan paglabas ng aparato at hindi na ito nahabol hanggang sa pagtawid ng meta.

Papasok ng far turn ay nasa unahan pa rin ang winning horse na nirendahan ni apprentice jockey JM Estorque pero pagsapit ng huling kurbada ay halos isang kabayo na lang ang lamang ng Ten Ten Forty.

Hindi naman nasira ang loob ni Estorque at  pinitik lang nito ng latigo ang Ten Ten Forty at umigkas agad ito para tawirin ang meta ng may dalawang kabayo pa ang agwat sa sumegundong Go Tango na sinakyan ng isa pang apprentice rider RO Tenorio.

Nakopo ni horse owner JA Rabano ang karagdagang P10,000 premyo ng Ten Ten Forty mula sa Philippine Racing Commissionb, (PHILRACOM).

Nirehistro ng Ten ten Forty ang 1:20 minuto sa 1,300 meter race, tumersero ang June Three habang pang-apat na tumawid sa meta ang A Song For Gee. 

Samantala, nagwagi si Gunga Din sa RBHS Class 5 na pinasibat sa Race 1 habang si Liliput ang nanaig sa race 2.

vuukle comment

PHILRACOM-RBHS CLASS 4

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with