^

PM Sports

6-kabayo bakbakan sa PHILRACOM Grand Sprint

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bakbakan ang anim na tigasing pangkarerang kabayo sa magaganap na 2019 PHILRACOM “Grand Sprint Champion­ship” race na pakakawalan sa Disyembre 15 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Tiyak na todo pagha­handa ng ginagawa ng mga trainers at jockeys dahil sa laki ng guaranteed prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

May P1-M ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan nakalaan ang P600,000 sa magkakampeon, may distansya itong 1,200 meter race.

Paniguradong markado sa laban ang Smokin Saturday at Son Also Rises subalit ayon sa mga karerista na palaging nakasubaybay sa mga stakes races malaki ang tsansa ng ibang mga kalahok lalo na ang War Commander.

“Kahit 1,200 meter lang ang karera, ‘pag may naglutsahan diyan siguradong may dadating na deremate kaya mahirap na laban ‘yan,” saad ni Angelito Cabunillas, karerista sa Tayuman.

Ang ibang nominadong kabayo ay ang Golden Buzzer, Lakan at Pinagtipunan.

Hahamigin ng panga­lawang kabayong tatawid sa meta ang P225,000 habang mapupunta ang P125,000 at P50,000 sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din ng P30,000 ang breeder ng winning horse.  

Wala pang nakatokang hinete, ang sigurado pa lang ay papasanin ng Lakan, Pinagtipunan at Son Also Rises ang 56 kgs., 53kgs ang kakargahin ng Smokin Saturday habang 52kgs. ang sa Golden Buzzer.

 

vuukle comment

PHILRACOM GRAND SPRINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with