^

PM Sports

Pinas marami pang pagkukunan ng ginto

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Marami pang madadagdag na ginto sa kaban ng Team Philippines matapos magsipasok sa finals para makasiguro ng silver medal ang mga pambato ng Pinas sa iba’t ibang sports sa 30th SEA Games.

Sa Clark, kapwa umabante sa gold medal round ang Philippine men’s baseball team at ang women’s softball squad sa kompetis-yong parehong ginaganap sa The Villages.

Minasaker ng mga Pinoy batters ang Indonesia, 14-1, sa semifinal round para makasagupa ang Thailand sa finals bukas.

Pinabagsak ng mga Thais ang mga Cambodians, 14-0, sa isa pang semifinals duel.

Nauna nang winalis ng national team ang elimination round kasama ang paggupo sa Thailand.

Samantala, sinikwat ng Blu Girls ang tiket sa gold medal round ng women’s softball makaraang talunin ang Malaysia, 12-0 sa kanilang semifinals game.

Haharapin ng Blu Girls, hangad ang kanilang ika-10 sunod na SEA Games crown, sa finals ang mananalo sa pagitan ng Indonesia at Singapore.

Nabigo naman ang Blu Boys na kaagad umabante sa finals ng men’s class nang matalo sa Singapore, 3-4, sa kanilang semifinals match.

Sa kabila nito ay may tsansa pa ang Blu Boys na makatawid sa gold medal round sa pamamagitan ng Page system.

Haharapin ng Blu Boys ang mananaig sa laro ng Indonesia at Thailand para sa tsansang makatapat ang Singapore sa finals.

Sa boxing competition sa PICC Forum sa Pasay City, humirit din ng tiket sa finals sina Carlo Paalam at Josie Gabuco matapos manaig sa kani-kaniyang dibisyon sa 2019 Southeast Asian Games boxing competitions sa PICC Forum sa Pasay City.

Naitarak ni Paalam ang unanimous decision win kay Muhamad Fuad Redzuan ng Malaysia upang umusad sa finals ng men’s light flyweight.

Nagtala rin ng 5-0 unanimous decision win si Gabuco laban naman kay Vietnamese Diem Kieu Thi sa women’s light flyweight class.

Nauna nang pumasok sa finals sina world champion Nesthy Petecio (women’s featherweight) at Marjon Pianar (men’s middleweight) na awtomatikong umusad sa gold-medal match sa kani-kaniyang dibisyon base sa inilabas na draw.

vuukle comment

30TH SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with