^

PM Sports

Unang gold sa fencing

Pang-masa
Unang gold sa fencing

MANILA, Philippines — Nakopo ni Jylyn Nicanor ang unang gold medal ng national fencing team matapos ang dikit na 15-14 panalo kay Diah Permatasari ng Indonesia sa wo-men’s individual sabre event sa 30th Southeast Asian Games kamakalawa ng gabi sa World Trade Center sa Pasay City.

Pambawi ito sa kabiguan ng dalawang fencers na natalo sa finals sa unang dalawang araw ng aksiyon ng fencing competition.

“Sobrang saya ko. Hindi ko ini-expect ‘to na mananalo ako ng gold. Binigay ko talagang lahat,” sabi ng 27-gulang na si Nicanor. “Pressure talaga, kinakabahan nga ako. Lalo nung nakita ko ‘yung malaking Philippine flag na hawak ng mga teammates ko (sa bleacher seats). Nag-focus na lang ako sa laro.”

Nauna nang  nanalo ng dalawang silver ang mga Pinoy fencers na sina Hanniel Abella at Christian Concepcion at tatlong bronze medals mula kina Nathaniel Perez, Noelito Jose Jr. at Samantha Catantan.

May tsansa pa sa tatlong ginto ang Phl fencing team sa pagsisimula ng team events kahapon.

vuukle comment

FENCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with