^

PM Sports

PBA Special draft para sa Gilas

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng inaaba­ngang taunang Rookie Draft ng Philippine Basketball Association (PBA) ngayong Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, magkakaroon ng isang ‘Gilas Pilipinas Special Draft’ bilang bahagi ng paghahanda ng bansa sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa bansa. 

“The PBA Board of Governors in a meeting last Monday unanimously agreed to hold a special draft involving five PBA aspirants targeted for inclusion in the Gilas Pilipinas training pool,” bahagi ng pahayag ng PBA Commissioner’s Office. 

Sina Allyn Bulanadi, Isaac Go, Mike at Matt Nieto at Rey Suerte ang nasa top-pick ng rookie draft at sila rin ang napili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para maging bahagi ng national pool sa kampanya nito sa world cup. 

Pangungunahan ng Columbian Dyip ang special draft at susundan ng Blackwater, NLEX, Alaska at Rain or Shine, kung saan pipili sila ng sa limang manlalaro at ipapahiram nila ito sa Gilas hanggang 2023 hanggang sa i-release ito ng SBP ang mga ito pabalik sa kanilang club team. 

Matapos nito ay balik sa regular draft pick ang liga kung saan Columbian Dyip muli ang nasa unahan na susundan ng Blackwater, NLEX, Alaska, Rain or Shine (5th-7th), NorthPorth, Magnolia, Ginebra, TNT at Columbian. 

Samantala, nagsimula na ang PBA draft combine kahapon sa Gatorade Hoops sa Mandaluyong City, na susukat sa lakas at galing ng 71 aspirant players sa iba’t ibang exer­cises at 5-on-5 games na sasalangan ng mga ito. 

Magpapatuloy ang draft combine ngayon at hahatiin ang mga applicant sa apat na teams mula sa dalawang grupo kung saan sasalang sa tatlong laro ang bawat koponan na tatagal ng walong minuto kada quarter at magkikita sa one-game final ang top-two team. 

Magkakaroon din ng three-point shootout sa mga piling manlalaro at tatapusin ng isang awarding ceremony ang two-day combine na ito.

vuukle comment

2023 FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with