^

PM Sports

Mountain Bikers, Polo kinapos

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Habang dagsa ang dating ng gintong medalya mula sa ibang clusters, tahimik ang ibang venues ng 30th Southeast Asian (SEA) Games kahapon.

Nagkasya lamang ang Phl mountain bikers  sa isang silver at dala-wang bronze medal habang nagkasya sa silver ang Phl polo team.

Nagsubi sina Nino Surban at Edmhel John Flores ng pilak at tansong medalya sa kanilang second at third place finish sa men’s mountain bike cross country sa Laurel, Batangas at tansong medalya din ang nakuha ni Avegail Rambaon sa women’s division.

Tinapos ni Surban ang karera sa loob ng isang oras at 36.6 minuto  kasunod si Flores (1:36.41) sa likod ng gold medal winner na si Thai cyclist na si Keerati Sukprasar (1:36.15).

Minalas naman ang pambatong si Arianna Dormitorio na nagka-injury sa kalagitnaan ng karera.

Samantala, nagkasya lamang sa silver medal ang pambato ng Pilipinas sa polo nang yumuko sa Malaysia sa kanilang gold-medal match sa Division A, 5-7.5 sa  Miguel Romero Sports Club sa Calatagan, Batangas.

Magsisimula naman ang kampanya ng Philippine surfing team sa da-lawang event ng men’s at women’s longboard at shortboard open sa San Juan, La Union.

Kakargahin nina Ikit Agudo at Daisy Valdez ang women’s longboard at sa shortboard naman sina Nilbie Blancada  at Daisy Valdez habang sa men’s shortboard naman sina JM Tokong at Edito Alcala.

vuukle comment

MOUNTAIN BIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with