^

PM Sports

PCSO Presidential Gold aabangan

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiyak na aabangan ng mga karerista ang bakbakan sa PCSO Presi­dential Gold Cup championship na ikakasa sa Disyembre 22.

Nagparamdam ng pagsali ang Super Sonic at Princess Eowyn na matagal nang inaaba­ngan ng mga karerista.

Inaasahan din na sasali si defending champion Sepfourteen at Boss Emong.

Si Sepfourteen ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse of the Year awardee.

Isa sa inaantay din ng mga karerista ngayong buwan ay ang bakbakan sa 2019 PHILRACOM Grand Sprint Championship na pasisibatin sa Dis­yembre 15 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Wala pang idineklarang kabayong sasalang sa nasabing event na may distansyang 1,200 meter race pero tiyak na marami ang magpapatala dahil sa laki ng premyo.

Ikakalat ang P1-M guaranted prize sa ­unang apat na kaba­yong tatawid sa meta kung saan nakalaan ang P600,000 sa magkakampeon.

Tatanggap naman ng P30,000 ang breeder ng winning horse sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Subalit bago ang nasabing karera, una munang susuportahan ng mga karerista ang 2019 PHILRACOM “Three-year-old Local Championship Race na ilalarga sa Disyembre 8 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

May 1,800 meter race at kahabaan ang karera, na may total P1.5-M na ipamumudmod sa mga matitimbang na kabayo.

Tulad sa Grand Sprint Championships, wala pang nakalistang kaba­yong kasali.

Ihahain ang P900,000  sa magkakampeon habang P337,500 at P187,500 ang sisikwatin ng ­second at third placers ayon sa pagkakasunod. 

Ilalaan naman ang 75,000 sa pang-apat na puwesto.

Ngayon ang decla­ration ay may fee itong P15,000.

vuukle comment

PCSO PRESIDENTIAL GOLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with