^

PM Sports

Free tickets ngunit may clear bag policy

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maliban sa tatlong sports event, libreng mapapanood ng mga Pinoy ang lahat ng 53 na sports ng 30th Southeast Asian Games na magbubukas  ngayon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Inanunsyo ito ni Philippine Southeast Asian Games Organi-zing Committee (PHISGOC) Chairman Alan Peter Cayetano kasunod ng mga panawagan na kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing libre ang panonood sa mga laro upang masiguro ang homecourt advantage ng bansa.

Dinulog ito ni Ca-yetano at ng PHISGOC kahapon.

“All the Games are free, except for basketball, volleyball and football when the Philippine team is playing,” ani Ca-yetano na nagsisilbi ring House Speaker.

Hindi kasali sa libreng tickets ang basketball na sa Mall of Asia Arena sa Pasay gaganapin, indoor volleyball sa Philsports Arena sa Pasig at football na ginaganap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila at Biñan Stadium sa Laguna.

Subalit ayon kay Ca-yetano, huwag munang dumiretso sa mga venues dahil makikipag-unayan sila sa Local Government Units ng mga naturang clusters upang masiguro ang maayos na proseso ng pagbibigay ng tickets.

Bukod sa libreng tickets, magbibigay din ng 10,000 tickets sa closing ceremony na nakatakda naman sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ang ibang venues na pagdarausan ng 56 sports – pinakamalaki sa kasaysayan ng SEAG – ay sa Manila, San Juan, Mandaluyong, Subic, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Tagaytay at La Union.

Mahigpit na ipapatupad ang Clear Bag policy sa lahat ng mga game venues na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games.

Inihayag kahapon ng Phisgoc na ang lahat ng manonood ay papayagan lamang magdala ng isang plastic, vinyl o PVC bag, transparent storage bag (maaaring one-gallon freezer bag, zip lock bag o kagaya nito), pati mga maliit na strapless clutch na hindi lalampas sa 4.5” laki at 6.5” lapad.

Ipinagbabawal naman ang pagdadala sa mga game venues ng backpacks, fanny packs, suitcases, purses o duffle bags bilang seguridad.

May karapatan din ang venue security na busisiin ang lahat ng ito at tuluyang kumpiskahin bago pumasok sa venue ang mga fans.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

PHISGOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with