^

PM Sports

Espejo tiwala sa Philippine men’s volley team

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan pagsasanay at paghahanda ay ready nang pumalo ang Philippine women’s and men’s national team sa indoor volleyball event ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na hahampas ngayong Disyembre 2 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Maganda ang ipinakita ng men’s and women’s national team sa regional biennial meet na ito sa kanilang pre-SEA Games tourneys at training camp nito sa iba at para kay men’s national team head coach kayang-kaya na nilang makasabay sa ibang tropa sa torneo.

“Nakakasunod kami pagdating sa SEA Games hindi ganito kabibilis sigurado mababasa namin ma-o-organize namin kung ano ‘yung gusto naming mangyari,” ani Alinsunurin.

Nasa Group B ang men’s team kasama ang mga bansang  Vietnam, Indonesia at Cambodia; at una nilang makakabangga sa unang sultada ng kumpetisyon ang bansang Cambodia sa bandang alas-6 ng gabi at kaila-ngan nila ilabas ang lahat ng kaya nila.

“Lahat talaga may ta-lent. Kailangan lang talaga namin ilabas ‘yung full potential ng team, ‘yung isa lang ‘yung igagalaw namin,” ani national team member Marck Espejo.

Sa panig naman ng women’s team, nasa final stages na sila ng kanilang pagsasanay para sa kanilang unang paghataw sa Disyembre 3 kontra sa Vietnam sa alas-6 din ng gabi.

Para kay setter Jia Morado, naging nakakapagod man ang mga nagdaang araw ay handang-handa na silang lumaban para sa bayan at sa isa’t-isa.

“Siyempre ‘yung bigger goal naman for us ang mas nangingibabaw na pakiramdam. So ‘yung pagod at mga sakit sa katawan maliit na bagay na lang ‘yun. Kasi right now we’re playing for the team, for each other and for the country,” sabi ni Morado.

vuukle comment

PHILIPPINE MEN’S VOLLEY TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with