^

PM Sports

Klub Don Juan Juvenile Colts Stakes Pinangunahan ng Puro Asset kahit no betting

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit “No Betting Race” ay pinasibat pa rin ang Klub Don Juan Juvenile Colts Stakes race bago nagsimula ang opisyal na karera kahapon sa  Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Official ang pagkakapanalo ng Puro Asset na nirendahan ni class B jockey JL Paano sa nasabing event kaya mala­lagay pa rin ang panaglan nito sa history ng karera.

Hindi isinali ang Klub Don Juan Jevenile Colts sa regular race dahil apat lang ang lumahok pero mauukit pa rin ang pa­ngalan ng Puro Asset bilang hari ng mga batang kabayo na may edad 2-Year-Old.

Impresibo ang pagkakapanalo ng Puro Asset na nag-abang lang sa likuran para magreserba ng lakas at saka ibinuhos lahat sa rektahan.

Nasa hulihan ang Puro Asset pagsapit ng far turn, nagbabanatan naman sa unahan ang Four Strong Wind at Noon Bell  habang nasa pangatlo naman ang Bulwagan.

Pero papasok ng hometurn ay umuusad na papauntang unahan ang Puro Asset.

Hawak ng Four Strong Wind ang dalawang kabayong bentahe sa Noon Bell sa rektahan pero humaharurot mula sa likuran ang winning horse at parang posteng nilampasan nito ang mga nasa unahan sa huling 100 metro ng laban.

“Napakahusay rumemate ni Puro Asset, nag-abang lang ako at eksakto naman ang paremate ko,” masayang sabi ni Paano.

Nirehistro ng Puro Asset ang 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ang P300,000, pangalawang tumawid ng meta ang Four Strong Wind at nakopo nito ang P112,500 habang tig P62,500 at P25,000 ang hinamig ng Noon Bell at Bulwagan ayon sa pagkakasunod.

Tumanggap naman ng tropeo ang winning horseowner, trainer at jockey.

vuukle comment

KLUB DON JUAN JUVENILE COLTS STAKES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with