^

PM Sports

Princess Eowyn namayagpag sa2019 Klub Don Juan Golden Girl Stakes

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinahon ng Princess Eowyn ang pang 17 sunod na panalo matapos angkinin ang korona sa 2019 Klub Don Juan Golden Girl Stakes race kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Hindi na nagpaliguy-ligoy ang Princess Eowyn sa largahan, agad kinuha ang bandera at hindi ito binitawan hanggang pagtawid ng meta.

Kampanteng nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jo­nathan Hernandez ang Princess Eowyn at kahit nagbadyang kumapit ng Sooner Time sa bandang far turn ay hindi naglabas ng latigo ang hinete.

“Hinayaan ko lang siyang tumakbo (Princess Eowyn), nagkukusa naman, kapag nakaka­rinig ng may lumalapit ay kumakaripas na agad siya,” hayag ni star jockey Hernandez.

Tatlong kabayo ang agwat ng Princess Eowyn kay Sooner Time sa rektahan kaya naman walang kahirap-hirap nitong tinawid ang fi­nish line.

Sa ipinakitang takbo ng Princess Eowyn ay nagbigay ito ng mensahe na kakasa ito sa pinaka prestihiyosong karera ng taon - “Ang Presidential Gol Cup” race.

Nagtala ng impresibong 1:50. 6 minuto sa 1,800 meter race ang Princess Eowyn, sapat upang ibulsa ng may-aring si Edward Diokno ang halagang P300,000 mula sa MMTCI New Management at KDJM.

Pangalawang dumating ang Sooner Time, nabiyayaan ito ng P112,500 habang P62,500 ang napunta sa Matriarchal na nirendahan ni apprentice rider RJ C Tabor.

Tumanggap naman ng tropeo ang winning horse owner, trainer at jockey matapos ang tagumpay sa nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Tulad ng Princess Eowyn, nagwagi ring liyamado ang Kaka And Bachi sa Yorme Isko Moreno Trophy Race na nilarga sa pangalawang karera.

Umarangkada agad sa unahan ang Kaka And Bachi na sinakyan ng dati ring PSA-JoY awardee Jessie Guce pero kinapitan agad ito ng Rafa.

Hindi naman nasira ang diskarte ni Guce, nagpatuloy lang ito sa pagrenda at pagsapit ng  far turn ay unti-unti nang lumayo ang Kaka And Bachi at nagwagi ito ng may anim na kabayo ang agwat sa nasegundong June Three.

Naibulsa ni carlos Aquino, may-ari ng winning horse ang karagdagang P10,000 premyo mula sa PHILRACOM.

Pangatlong dumating ang You Never Know, sunod ang Fire Bull, pang-lima ang Lady Spiker habang pang-anim ang Light And Shade.

vuukle comment

PRINCESS EOWYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with