Tigresses kampeon sa UAAP table tennis
MANILA, Philippines — Nagbanat ng buto ang paboritong University of Santo Tomas para igupo ang first-time finalist na Ateneo sa dalawang ties para makopo ang 13th UAAP Women’s table tennis title sa Blue Eagle Gym.
“Masaya kasi ang pinaka-aim ng UST is mag-champion both men’s and women’s. And the women’s they did not let it go; fight pa rin sila kahit lamang na ‘yung kalaban,” sabi ni head coach Lorinda Wadjad.
Pinaghirapan ni Tigress Paddler Danica Alburo ang dalawang match points mula kay Lady Eagle Kathleene Bulaquena para ipanalo ang UST sa 14-12 sa fifth set ng deciding singles match sa afternoon tie.
Nauna nang nagbanta ang Ateneo na pahabain ang series nang iangat nina eventual-Rookie of the Year Kaela Aguilar at kapwa newbie Ann Borbon ang team sa 2-0.
Tinalo ni Aguilar si Sherlyn Gabisay sa five sets, habang naungusan ni Borbon si Ciara Derecho sa apat na sets.
Ngunit naitakas naman nina Leigh Villanueva at Emery Digamon ang Tigresses sa doubles match sa 12-10, 11-7, 5-11, 11-8.
Sa deciding singles sa umaga, tinalo ni Shaeena Ronquillo si Bulaquena, 11-9 para kunin nang 1-0 series lead para sa UST.
- Latest