^

PM Sports

3 golds nakopo ng Philippine fencers sa Taipei Open

Philstar.com

MANILA, Philippines — Matagumpay ang naging kampanya ng Philippine national fen­cing team matapos nitong maibulsa ang tatlong ginto, dalawang bronze at isang pilak na medalya sa katatapos lang na 2019 Taipei Fencing Open sa Taipei City, Taiwan.

Pinangunahan ni 2019 U-23 Asian Fencing Championships gold me-dalist Samantha Catantan ang pambansang koponan nang dominahin niya ang women’s foil event matapos padapain si Cheng Wei ng Fu Jen Catholic University, 15-12 at pahiyain si Wu Ruozhen ng Olin Fencing, 15-12 para sa gintong medalya.

Nagkasya lamang sa pilak na medalya si Nicole Cortey sa women’s sabre event nang matalo siya sa Finals ni Peng Jizhan ng Taoyuan City, 12-15 habang uuwi ng bronze medal si Jylyn Nicanor sa parehong event.

Hindi naman nagpahuli ang men’s division ng Nationals nang maiuwi nina Noelito Jose, Jr. at Daniel Villanueva ang huling dalawang gintong medalya para sa bansa habang may tanso naman ang bitbit ni Jhester Concepcion.

Pinatumba ni Jose sa quarterfinals ng men’s epee event si Ding Wei 15-7 para makalusot sa semis kung saan naging mahigpit ang laban nito kontra kay Chen Zonglin dahil sa isang puntos ang bentahe nito, 13-12 at sa finals ay muli siyang umariba at nilubog sa putik ang karibal na si Xu Weiwei para sa tagumpay, 15-5.

Nagpakitang-gilas din si Villanueva sa men’s sabre event matapos nitong takasan sa finale ang pambato ng National Taiwan Sport University na si Zhou Zongxi, 15-14, habang nakopo naman ni Concepcion ang bronze sa parehong event. (FJ)

vuukle comment

2019 TAIPEI FENCING OPEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with