^

PM Sports

Celtics ‘di mapigilan

Pang-masa
Celtics �di mapigilan

SAN FRANCISCO -- Isang slam dunk ang gina­wa ni Jayson Tatum sa huling 1:36 minuto matapos ang jump ball para ilagay ang Celtics sa unahan patungo sa 105-100 paggupo sa Golden State Warriors.

Ito ang pang-10 sunod na ratsada ng Boston matapos mabigo sa season opener.

Nauna nang itinawag ang out-of-bounds pabor sa Golden State ngunit binago matapos ang replay review na nagresulta sa jump ball.

Tumipa si Kemba Walker ng isang three-pointer sa huling 2:19 minuto para sa 97-95 bentahe ng Celtics habang nagsalpak si Daniel Theis ng isang free throw sa nalalabing 1:41 minuto ng laro.

Nabalik ang bola sa Warriors sa huling 54.3 segundo mula na naman sa isang overturned replay, ngunit naimintis ni Alec Burks ang kanyang tira sa 3-point line kasunod ang basket ni Walker para sa Celtics.

Tumapos si D’Angelo Russell na may 12 points at 7 assists subalit may siyam sa 19 turnovers ng Golden State bago lisanin ang laro bunga ng sprained right thumb.

Sa Los Angeles, tumipa si LeBron James ng dalawang free throws sa natitirang 5.5 segundo at sinupalpal naman ni Anthony Davis ang driving shot ni Harrison Barnes sa pagtunog ng final buzzer para sel­yuhan ang 99-97 panalo ng Lakers kontra sa Sa-cramento Kings.

Kumolekta si James ng 29 points at 11 assists habang hinugot ni Kentavious Caldwell-Pope ang 12 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa ikatlong dikit na pananalasa ng Western Conference-leading na Lakers.

Sa Minneapolis, nagpasabog si Bradley Beal ng ika­lawa niyang sunod na 44-point performance para pamunuan ang Washington Wizards sa 137-116 pag-lampaso sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si Moritz Wagner ng mga career-highs na 30 points at 15 rebounds para sa Wizards.

Si Wagner ang naging unang reserve sa NBA his­tory na nagtala ng 30 points, 15 boards at apat na 3-pointers sa isang laro.

Pinamunuan naman ni Karl-Anthony Towns, ipinagdiwang ang kanyang ika-24 kaaawan, ang Tim­ber­wolves mula sa kanyang 36 points.

Sa Oklahoma City, kumamada si Danilo Gallinari ng 28 points para tulungan ang Thunder na talunin ang Philadelphia 76ers, 127-119.

Naglatag si guard Chris Paul ng 27 points para sa Oklahoma City, nauna nang naipatalo ang tatlo sa apat nilang laro, samantalang nag-ambag sina Shai Gil­geous-Alexander at Terrance Ferguson ng 24 at 19 markers, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

JAYSON TATUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with