^

PM Sports

Manila, Basilan nagpalakas

Pang-masa

Lamitan, Basilan, Philippines — Nagpalakas ang Ma­ni­la Stars at Basilan Steel para sa kanilang asam na top four finish at masusubukan ang kanilang mga bagong players ngayon sa pagharap sa magka­hiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa La­mitan Capitol Gym.

Malakas na ang Stars ngunit kinuha pa rin nila si Mac Tallo kaya paborito silang manalo laban sa Imus Bandera sa alas-6:30 ng gabing laban.

Bukod sa homecourt advantage, karagdagang lakas sa Steel ang bagitong si Allyn Bulanadi sa pagharap sa Nueva Ecija Vanguards sa alas-8:30 ng gabi.

Kung ang Manila ay sigurado na sa  eight-team playoffs sa kanilang 16-3 record sa North division, na­ngangailangan pa ang Basilan (12-8) ng ilang pa­nalo para makausad sa South division playoffs.

At malaking tulong si Bulanadi sa Jumbo Plas­tics-supported Steel nina Sumisip Mayor Julz Ha­taman, ARMM Gov. Mujiv Hataman and co-ow­ner Hegem Furigay na nais ipakita na ang Basilan ay isang mapayapa, tourism-oriented at sports lo­ving na probinsiya.

Certified gunner ang kaliweteng 6-foot-3 forward mula sa San Sebastian College  sa kanyang career-high 44 points para sa Stags na naihatid ni­ya sa National Collegiate Athletic Association Final Four bago sinibak ng Letran Knights.

Ang Bandera (5-15), ipaparada sina Gerald Anderson at dating PBA MVP Jayjay Helterbrand, at ang Rice Vanguards (5-14) ay delikadong masibak.

vuukle comment

MA­NI­LA STARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with