^

PM Sports

‘Di malala ang injury ni Jeron Teng

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA,Philippines — Nakahinga nang maluwag ang Alaska Aces matapos makaiwas sa isang ma­­lalang injury si Jeron Teng at ina­asa­hang makakabalik pa sa idina­raos na 2019 PBA Governors’ Cup.

Sa resulta ng kanyang examination, hyperextended knee lamang ang natamo ni Teng matapos bu­magsak sa huling laban ng Aces kon­tra sa Phoenix noong Miyerkules at mawawala si­ya ng hanggang dalawang linggo.

Nakabanggaan ni Teng si big man Justin Chua sa huling minuto at hindi na nakabalik sa laro.

Nagtala siya ng 17 points at 8 rebounds sa 105-102 panalo ng Alaska na binuhay ang pag-asang makasampa sa season-ending conference playoffs.

Kagagaling lamang ni Teng sa ham­string injury bago ang simula ng torneo kaya’t hindi nakalaro sa unang limang laban ng Aces na nagresulta lahat sa kabiguan.

Sa kanyang pagbabalik ay naakay ni Teng, sa likod ng kanyang rehistrong 15.0 points, 7.8 rebounds at 3.0 assists, sa apat na panalo sa limang la­ro ang Alaska upang umangat sila sa 4-6 baraha sa ikapitong puwesto.

Hindi makakalaro si Teng sa hu-ling laban ng Aces kontra sa lider na NLEX sa Nobyembre 20 subalit ina­­asahang puwede na ulit sumalang sa playoffs kung papasok ang Alaska la­lo’t magkakaroon ng break ang PBA pa­ra sa 30th Southeast Asian Games.

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 na pamamahalan ng bansa.

 

vuukle comment

JERON TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with