Raptors inubos ang Kings
TORONTO — Kumpiyansa si forward Pascal Siakam na mas gaganda pa ang kanilang inilalaro sa season.
Nagposte si Siakam ng 23 points at 13 rebounds at nagdagdag si point guard Kyle Lowry ng 24 markers para igiya ang Raptors sa 124-120 panalo kontra sa Sacramento Kings.
“We didn’t win like we wanted to,” wika ni Siakam. “But we got the win and that’s all that matters.”
Nagtayo ang Toronto ng 36-23 abante matapos ang first quarter, ngunit nakabangon ang Sacramento para sa kanilang three-point deficit sa fourth quarter.
“They were hard to get rid of,” sabi ni Toronto head coach Nick Nurse sa Kings.
Umiskor si center Serge Ibaka ng 10 sa kanyang 21 points sa fourth period at tumapos si OG Anunoby na may season-high na 18 markers para sa pang-limang sunod na panalo ng Toronto laban sa Sacramento.
May 4-0 record din ang Raptors sa kanilang tahanan ngayong season.
“We have to continue to get better and grow as a team,” ani Lowry. “We take the win, figure it out and get better.”
Umiskor naman si Harrison Barnes ng 26 points kasunod ang 22 at 21 markers nina Bogdan Bogdanovic at Buddy Hield, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Kings.
Sa Dallas, kumamada si Luka Doncic ng 27 points, 7 rebounds at 7 assists at nakahugot ang Mavericks ng dalawang charging foul mula kay Aaron Gordon sa huling minuto para tangayin ang 107-106 panalo laban sa Orlando Magic.
Binanderahan ni Gordon ang Magic mula sa kanyang 23 points at naglista si Nikola Vucevic ng 19 points at 11 rebounds.
Sa Salt Lake City, humataw si Donovan Mitchell ng 24 points para ihatid ang Utah Jazz sa 106-104 paggiba sa Philadelphia 76ers.
Nagposte si Bojan Bogdanovic ng 20 points at kumolekta si center Rudy Gobert ng 14 points, 16 rebounds at 3 steals, habang may season-high 16 na markers si Joe Ingles para sa Jazz.
Sa Indianapolis, pinatumba ng Indiana Pacers ang Washington Wizards, 121-106.
Tumipa ng 21 points ni T.J. Warren para pamunuan ang Pacers.
- Latest