^

PM Sports

Kiefer isinama sa 15-man pool

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal nang bahagi ng 15-man Gilas Pilipinas pool si Kiefer Ravena.

Ito ay matapos payagan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang pagpapalit ng manlalaro ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas (SBP).

Ayon kay team manager Gabby Cui, nakakuha sila ng ‘go signal’ mula sa Phisgoc dahil pool pa lamang ang ipinasa ng SBP.

Noon pang Setyembre ang deadline ng pool submission subalit pinayagan ng Phisgoc ang SBP na magbago ng line-up dahil sa hindi inaasahang ankle injury ni Jayson Castro.

Mawawala ng isang buwan si Castro na papalitan ni Ravena halos isang buwan nalang bago ang 30th SEA Games na nakatakda mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Pagbabalik ito ni Ravena sa national team ma­tapos na ring maglaro sa koponan ni coach Yeng Guiao noong 2019 FIBA World Cup sa China.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with