^

PM Sports

Phl team giniba ang PSL Team Shine

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gamit ang kanilang mga natutuhan sa training camp sa Tokyo, Japan, agarang nanalasa ang Philippine women’s national volleyball team nang talunin ang PSL Team Shine, 25-14, 25-18, 25-16, sa Philippine Superliga (PSL) Super Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umariba para sa Nationals si Mylene Paat nang nagrehistro ng 8 points sa likod ng 6 attacks at 2 kill blocks, habang nag-ambag ng tig-7 markers si­na Ces Molina at Majoy Baron.

Nagtala sina Jovelyn Gonzaga at Eya Laure ng tig-6 points at may 5 markers si Maddie Madayag.

Hindi man kumpleto dahil wala sina Alyssa Valdez at Jia Morado ay nagawa pa ring umalagwa ng Nationals para si­mulan ng malakas ang kanilang kampanya sa three-day tourney.

Sa first set pa lamang ay rumatsada na kaagad ang tropa ng 8-0 atake at itarak ang 13-4 ben­tahe at palubugin ang Team Shine sa 24-13 patungo sa set win.

Si Sta. Lucia outside hitter MJ Phillips ang na­nguna sa Team Shine sa kanyang 8 puntos.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with