^

PM Sports

Katatakutan pa rin ang SMB sa playoffs

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bumabandera ang tatlong MVP teams at kasunod ang tatlong SMC ball clubs at laban-laban sa likuran ang mga independent ball clubs papasok sa homestretch ng PBA Governor’s Cup elims.

Kung ngayon matatapos ang single-round-robin elims, NLEX, TNT KaTropa at Meralco ang unang tatlong koponan na susungkit ng twice-to-beat ad­van­tage sa quarterfinals at tabla ang Ginebra at SMB sa labanan para sa pang-apat at pang huling mag-e-enjoy ng win-once bonus sa quarters.

Mukha namang lulusot sa playoffs ang lahat ng mga bigating koponan na ito.

Ang mabigat hulaan ay ang makakausad ng malalim sa playoff round lalo na at patuloy pa ang luto ng  mga sangkap sa marami pang posibleng trade deals.

Walang tigil ang speculations na gagalawin ang ka­salukuyang rosters ng Ginebra, San Miguel at Mag­­nolia upang makahabol sa ratsada ng NLEX, TNT at Meralco.

Ang pinag-uusapan na malamang galawin na spot sa San Miguel ay ang kanilang import dahil may health issue si Dez Wells.

At may tsismis na kairingan din niya ang mara­ming SMB locals.

Tabla sa Ginebra sa fourth place sa kasalukuyan ang SMB, pero hinding-hindi maaalis ang takot ng la­hat na makaharap sila sa playoffs.

Matatandaan ang kanilang low seeding sa Commissioner’s Cup pero nagawa nilang idomina ang playoffs tungo sa ikalawang kampeonato sa kasalu­ku­yang season.

Kung hindi mababago ang ratsada ng mga pangunahing ball clubs, nagbabanta ang maagang playoff matchups ng SMC ball clubs.

Lalo na nga at pawang nasa middle of the pack ang Gin Kings, Beermen at Hotshots.

*****

Nagsimula nang mag-work out si Bobby Ray Parks, Jr. kasama ang kanyang mga bagong teammates sa TNT.

Lalaro siya sa unang pagkakataon suot ang TNT jersey kontra Ginebra sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

*****

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with