^

PM Sports

Aces binalasa ang Batang Pier

Russell Cadayona - Pang-masa
Aces binalasa ang Batang Pier
Sinagasaan ni Christian Standhardinger ng NorthPort si Alaska import Franko House.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Hindi sapat ang career-high na 37 points ni Christian Standhardinger para ipanalo ang NorthPort.

Dumiretso ang Alaska Aces sa kanilang pa­nga­la­wang sunod na pana­lo ma­tapos gibain ang Ba­tang Pier, 106-99 panalo sa 2019 PBA Gover­nor’s Cup kahapon sa Smart Ara­­­neta Co­liseum.

Umiskor sina import Franko House at Vic Ma­nuel ng tig-23 points para itaas ang kartada ng Alaska sa 3-6 at buhayin ang ka­nilang tsansa sa eight-team quarterfinal round.

Nagwakas naman ang two-game winning run ng NorthPort, nakahugot kay import Michael Qualls ng 35 points at 15 rebounds, sa 3-5.

Humakot din si Standhardinger ng 16 boards at 5 assists para sa tropa ni coach Pido Jarencio.

Ang layup ni Manuel ang nagtaas sa Aces sa 98-89 sa 3:09 minuto ng fourth period bago ito naputol ni Qualls para ilapit ang Batang Pier sa 92-98 sa huling 2:18 minuto.

Sa pagbandera ni Stand­hardinger ay muling na­kadikit ang NorthPort sa 99-102 sa natitirang 27.6 segundo ng laro.

Ngunit tumipa si Ma­nuel ng dalawang free throws para selyuhan ang pa­­nalo ng Alaska.

 

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with