^

PM Sports

Pinas puwede sa 3x3 sa Olympics

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ng Pilipinas na ma­kum­pleto ang pagbabalik sa Olympic Games.

Ito ay matapos ma­ka­pasok ang bansa sa 2019 FIBA 3x3 Men’s Olympic Qualifying Tour­­nament na gagana­pin sa India sa Marso na siyang magiging posibleng daan patungo sa 2020 Olympics sa Tok­yo, Japan.

Isa ang Pilipinas sa 20 bansang nakapasok sa torneo matapos ang ilang buwan na qua­li­fi­cation.

Ito ay base sa paha­yag ng FIBA kamaka­la­wa ng gabi sa Utso­no­miya, Japan.

Tatlong tiket lamang sa 2020 Olympics ang nakataya sa qua­lifiers na hangaring ma­­­sikwat ng Pilipinas upang ma­wakasan ang 47-taong basketball drought sa Summer Games na pi­na­kamalaking sporting event sa buong mundo simula nang huling ma­kapasok noong 1972 sa Germany.

Hindi naging mada­li ang daan ng bansa pa­tungo sa OQT nang magsimula ito bilang No. 59 sa FIBA 3x3 World Rankings noong Pebrero.

Subalit dahil ran­king points ang basehan sa 3x3 hindi katulad ng sa 5-on-5, nagsimulang gumalaw ang bansa sa pa­ngunguna ni Ronald Mas­­cariñas ng Chooks-To-Go na inilunsad ang Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 League na na­ging daan ng bansa sa pag-ak­yat sa Top 20 noong Ok­tubre.

Naisakatuparan ito sa idinaos ng Chooks na President’s Cup, Magi­ting Cup at Patriot’s Cup at ang 14-leg in­vi­tational tourney na MelMac Cup.

Kasama ng Pilipinas sa Pool C ang Slove­nia, Qatar, Franxe at Do­minican Republic at nasa Pool A ang Mongolia, Poland, Brazil, Turkey at Spain, habang nasa Pool B ang USA, Lithuania, Belgium, South Korea at New Zea­land at ang Pool D ay binubuo ng Netherlands, Latvia, Ca­nada, Croa­tia at host In­dia.

 

vuukle comment

PINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with