Ateneo at San Beda paborito sa finals
Bago magbukas ang 30th SEA Games, tapos na ang collegiate season at matutunghayan kung makukumpleto ng Ateneo at San Beda ang rare season sweep o mayroong koponang huhugot ng kampeonato mula sa stepladder semifinals.
Parehong stepladder semis ang matutunghayan sa UAAP at the NCAA matapos walisin ng Ateneo Eagles at San Beda Lions ang kanilang elims assignments.
Ngayon ay maghihintay sila ng ilang araw para malaman kung sino ang haharapin sa best-of-three finale.
Paglalabanan ng No. 3 FEU Tams at No. 4 UST Tigers ang karapatang harapin ang second seed UP Maroons sa final game ng UAAP stepladder semis.
Samantalang magtutunggali ang No. 3 Letran at No. 4 San Sebastian para idetermina ang haharap sa No. 2 Lyceum sa kaparehong semis format sa NCAA.
Walang duda naman na heavy favorites ang Ateneo at San Beda sa finals.
Ani UP coach Bo Perasol, “cut above the rest” ang Eagles sa season na ito.
“It’s not just UP who plays bad against Ateneo. Everybody plays bad against Ateneo, period. In that 14 games that everybody played against Ateneo, I’d say 80 percent they just outplayed everybody,” buntong-hininga ni Perasol.
“If you have to beat them, whoever it is who goes up against them in the championship, should really be not only prepared but may kasama pang suwerte.”
* * *
Nagbanta ng sariling sweep run ang TNT KaTropa kasama ang magaling na import na si KJ McDaniels sa PBA Governor’s Cup.
Pero hininto sila ng NLEX na ngayon ay nasa sarili nilang umuusok na arangkada.
At kasunod nila ang Meralco, Ginebra at San Miguel sa karera para sa Top Four na siyang tatangan ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.
- Latest