^

PM Sports

Bolick nagkaroon ng ACL injury

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas malala kaysa ina­asahan ang dagok na na­tamo ng NorthPort bu­nga ng ACL injury ni rookie Robert Bolick.

Nakumpirma ang na­tu­rang injury ni Bolick ayon sa maraming ulat ka­makalawa na magwa­wakas na nang tuluyan sa impresibong taon ni Bo­lick hindi lamang sa PBA kundi gayundin sa Gilas Pilipinas.

Masama ang naging bag­sak ni Bolick noong na­karaang linggo sa 127-119 panalo ng Batang Pier kontra sa San Miguel.

Bagama’t bumangon pa siya para isalpak ang kan­yang free throws ay agad siyang dinala sa St. Luke’s Medical Center na kamakawala ay napag-alamang ACL injury ang kanyang natamo.

Mawawala ng hanggang walong buwan si Bo­lick at nakatakdang su­­mailalim sa operasyon.

Nagrehistro si Bolick ng mga averages na 12.9 points, 5.0 rebounds at 6.0 assists sa 2019 PBA Go­vernors’ Cup para sa 3-4 ba­raha ng NorthPort.

Isa si Bolick, ang No. 3 overall pick ng nakaraang draft, sa matunog na kandidato para sa PBA Roo­kie of the Year ka­sa­ma si top pick CJ Pe­rez ng Columbian.

vuukle comment

ROBERT BOLICK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with