^

PM Sports

Alaska puwede pa sa quarters

Russell Cadayona - Pang-masa
Alaska puwede pa sa quarters
Ang hook shot ni Alaska import Franko House laban kay Carl Bryan Cruz ng Blackwater.
PBA Images

MANILA, Philippines — Bagama’t nasa ilalim ng team standings ay ibi­nibigay pa rin ng Alaska ang lahat ng kanilang ma­kakaya sa bawat laro.

Muli itong pinatuna­yan ng Aces matapos patumbahin ang Blackwater Elite, 101-91, sa 2019 PBA Governor’s Cup ka­ha­­pon sa Smart Araneta Co­­liseum.

Nagtala si guard Jeron Teng ng 19 points, 8 re­bounds at 3 assists para sa ikalawang panalo ng Alaska sa walong laro at ma­katabla ang Blackwater at Phoenix.

“Despite our record, they still came out and really gave their best and slowly looking like the team we are kinda expec­ting,” ani coach Jeffrey Ca­riaso sa kanyang Aces.

Nagdagdag sina import Franko House at Abu Tratter ng tig-18 markers kasunod ang 12 points ni Vic Manuel.

Binanderahan naman ni import Marqus Blakely ang Elite mula sa kanyang 19 points, 7 boards at 7 assists, habang may 18 at tig-14 markers sina Niño Ca­naleta, Mac Belo at No. 2 overall pick Bobby Ray Parks, Jr., ayon sa pagkakasunod.

Isinara ng Alaska ang first quarter bitbit ang 29-19 abante hanggang pa­lobohin ito sa 60-36, sa halftime.

Mula sa 58-73 pagkakaiwan ay nakabangon na­man ang Blackwater, na­hulog sa kanilang ikatlong dikit na kamalasan, at nailapit ang laro sa 73-78 tampok ang three-point play, fastbreak basket at triple ni Belo sa huling 1:27 minuto ng third period.

Ngunit bumirada sina Teng, Jake Pascual at Ke­vin Racal para muling itaas ang Aces sa 95-79 sa huling 5:23 minuto ng final canto.

Hindi na nakabawi ang Elite.

 

vuukle comment

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with