^

PM Sports

Bucks nanalo sa Rockets; Clippers wagi sa Warriors

Pang-masa
Bucks nanalo sa Rockets; Clippers wagi sa Warriors

HOUSTON Nang ma­kuha ni Giannis Antetokounmpo ang kanyang ikaanim at huling foul sa huling limang minuto ng laro ay hindi nawalan ng loob ang Milwaukee Bucks.

“These guys in this locker room, we’re figh­ters, we’re competitors,” sabi ni guard Wesley Matthews. “If Giannis fouls out we can’t just come in­to the locker room.”

Nagposte ng triple-double si Antetokounmpo mu­la sa kanyang 30 points,  13 rebounds at 11 assists para pamunuan ang Bucks sa 117-111 paggupo sa Rockets  sa la­rong nagtampok sa tatlong NBA MVPs.

Humanga si Anteto­kounmpo, ang MVP sa na­karaang season, sa kanyang mga teammates sa krusyal na bahagi ng laro.

Nagsalpak si Brook Lo­pez ng dalawang free throws sa huling minuto ng laro, habang tumipa si Ersan Ilyasova ng isang jump shot sa natitirang 15 segundo para selyuhan ang panalo ng Milwaukee.

Nagtala naman si Russell Westbrook, ang 2017 MVP, ng 24 points, 16 rebounds at 7 assists para pamunuan ang Houston, habang nagsumite si James Harden, ang 2018 MVP, ng 19 points, 14 assists at 7 rebounds.

Sa San Francisco, di­niskaril ni Kawhi Leo­nard ang unang laro ng Gol­den State Warriors sa ba­go nilang Chase Center nang kumana ng 21 points sa 141-122 panalo ng Los Angeles Clippers.

Nagtala rin ang NBA Finals MVP na si Leo­nard ng 9 assists sa ikala­wa niyang laro para sa Clippers matapos igiya ang Toronto Raptors sa NBA crown sa kanilang six-game finals series ng Warriors.

Umiskor naman si Ste­­phen Curry ng 23 points at may 20 markers si D’Angelo Russell para sa Golden State.

Sa Detroit, nagpasa­bog si Trae Young ng 38 points para akayin ang Atlanta Hawks sa 117-100 panalo sa Pistons.

Humakot si John Collins ng 20 points at 10 rebounds, habang naglista si Jabari Parker ng 18 points para sa Hawks.

Pinamunuan ni guard Derrick Rose ang Pistons mula sa kanyang 27 points at kumabig si star center Andre Drummond ng 21 points at 12 rebounds.

 

vuukle comment

BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with