^

PM Sports

Meralco-Blackwater trade ibinasura ng PBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinupalpal ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade na isinumite kahapon sa pagitan ng Meralco at Blackwater sa kasagsagan ng 2019 PBA Governors’ Cup.

Ayon sa naturang palitan, makukuha sana ng Bolts sina Raymar Jose at Allein Maliksi mula sa Elite kapalit nina KG Canaleta, Mike Tolomia at future second round pick.

Subalit hindi ito patas, ayon sa liga, kaya’t nasopla ang trade na kinakaila-ngan ngayong rebisahin ng dalawang partido.

Nais sana ng PBA, ayon sa mga lumutang na ulat kahapon, ay dagdagan ng Meralco ang offer sa trade package upang maging patas ito sa Elite na papakawalan ang starter na si Maliksi at young big man na si Jose.

Maaaring isa pang manlalaro o future pick ang idagdag ng Bolts subalit ang mayroon lang ito ay second round pick sa susunod na taon na nakalagay na sa naturang package.

Inaabangan pa ang susunod na hakbang ng dalawang kampo sa pina-kabagong palitan na ito sa season-ending conference.

Kung sakali, ito na sana ang ikalawang trade transaction ng Blackwater ngayong linggo matapos i-trade si Mike DiGregorio noong nakaraang Sabado sa Talk ‘N Text.

Nakuha ng Elite bilang kapalit si Brian Heruela na dati na rin nitong draft pick noong 2014 PBA Rookie Draft.

vuukle comment

2019 PBA GOVERNORS CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with