^

PM Sports

Donaire ‘di puwedeng magkumpiyansa

Chris Co - Pang-masa
Donaire �di puwedeng magkumpiyansa

MANILA, Philippines — Walang balak magkumpiyansa si World Boxing Association (WBA) super bantamweight cham-pion Nonito Donaire Jr. sa oras na makaharap nito si hometown bet Naoya Inoue sa Nobyembre 7 sa bantamweight finals ng World Boxing Super Series sa Super Arena sa Saitama, Japan.

Ayon kay Dodong Donaire-- ang father/trainer ni Nonito-- hindi birong makaharap si Inoue na nagmamay-ari ng International Boxing Federation (IBF) bantamweight at WBA regular bantamweight belts at armado rin ng malalim na karanasan.

Tinukoy ni Dodong ang matikas na kumbinasyon ni Inoue na naging pangunahing sandata nito sa kanyang mga nakalipas na laban.

Nakita ito ni Dodong nang maitala ni Inoue ang second-round knockout win kay dating IBF champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico noong Mayo 18 sa Scotland.

“Ni-remind ko siya na huwag siya magpapatama ng combinations kasi hindi nagtatapon si Inoue ng isang suntok.  Nagtatapon siya ng combination so ‘pag natamaan ka nun, may mga kasunod na ‘yun,” ani Dodong.

Ngunit hindi ito magiging problema para kay Nonito dahil may game plan na ito para sa laban.

“‘Yun ang style niya (Inoue) na kapag sumuntok siya, may mga kasunod talaga. Mabilis at malakas ‘yung combinations niya,” dagdag ni Dodong.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas si Donaire ngayong araw para ipagpatuloy ang kanyang training camp sa Maynila bago tumulak sa Japan.

Tiwala naman si Dodong sa magiging laban ng kanyang anak.

Nasa perpektong kondisyon na ito at handang na sa panibagong ha-mong haharapin nito.

“Mabilis si Nonito ngayon, bumalik na ‘yung bilis niya. Maganda ang kondisyon niya,” ani Dodong.

Galing si Nonito sa sixth-round knockout win kay Stephon Young ng Amerika noong Abril 27 sa Cajundome Lafa-yette sa Louisiana, USA para makahirit ng tiket sa finals.

vuukle comment

DONAIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with