^

PM Sports

AFP, DA pag-aagawan ang liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines – Paglalabanan ng defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Agriculture ang liderato sa Group A habang tangka ng Malacañang-Philippine Sports Commission ang ikaapat na sunod na panalo sa Group B bukas sa pagpapatuloy ng 8th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Magsasagupa ang AFP at DA sa alas-3:30 ng hapon kung saan itataya ng  Cavaliers ang kanilang malinis na 3-0 record habang layunin ng Food Masters na hatakin ang kanilang  winning run sa tatlong panalo sa event na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon para sa mga  public servants.

Nais naman ng Malacañang-PSC Kamao na isama ang Philippine National Police Responders sa hanay ng kanilang mga biktima sa alas-5:00 ng hapong laban.

Nais naman ng PITC Global Traders na ma-kabalik sa winning track upang maiangat ang 1-2 kartada sa pagsagupa sa SSS Kabalikat  sa alas-2:00 ng hapon.

Ang mapipiling charity ng champion team ay tatanggap ng P4 million, ang charity ng runner-up ay may P2 million habang ang third at fourth placers  ay P1 million para sa kanilang mapipiling charity.

Kahit wala ang kanilang leading scorer na si Erick dela Cuesta, madaling tinalo ng Kamao ang GSIS Furies, 102-69 noong Linggo.

Sa likod ng kanilang nakaraang runaway win, paghahandaan ng Kamao ang Responders dahil sila ang dating kampeon at determinadong maitala ang kanilang unang panalo matapos mabigo sa unang tatlong laro.

Ikatlong sunod na panalo ang hangad ng reigning titlists na AFP, pangungunahan nina Eugene Tan, Jerry Lumongsod, Boye Bautista at Alvin Zuniga gayundin ang Agriculture na babanderahan ni former collegiate stars Emerson Oreta at Henry Fernandez.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with