^

PM Sports

Diretso sa finals ang San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa
Diretso sa finals ang San Beda

MANILA, Philippines — Tuluyan nang winalis ng three-peat champion San Beda Red Lions ang double-round elimination matapos muling padapain ang Lyceum Pirates, 85-62 kahapon sa penultimate day ng elimination round ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena ng San Juan City.

Umabot pa sa pinakamalaking 24 puntos ang bentahe ng Red Lions, 84-60, sa lay-up ni Donald T­ankoua mahigit 1:39 na lang ang natitira upang manatiling walang talo sa 18 laro at ipursige ang stepladder format sa playoff round.

Dahil sa panalo dumiretso na ang San Beda sa best-of-three Finals at maghintay na lamang ng makalaban habang maghaharap muna ang third seed Letran kontra sa fourth seed at ang magwawagi ay lalaban sa second seed Lyceum sa huling  playoff match. Ang mananalo sa huling playoff match ay papasok sa Finals kontra sa Red Lions.

“Our job is not yet done. Yes, we made it to the Finals, but we may face LPU or Letran or Baste or even Mapua there,” sabi ni SBU coach Boyet Fernandez.

Ang fourth seeded team ay malalaman pa nga­yong araw sa paghaharap ng San Sebastian Stags (10-7) kontra sa Perpetual Help Altas sa alas-12 ng tanghali at ng Mapua Cardinals  (9-8) laban sa St. Benilde Blazers sa alas-2 ng hapon.

Kung magwawagi ang Stags tuluyan na ring masungkit nila ang huling semis berth, ngunit kung mabigo at mananalo ang Cardinals sa Blazers magtatabla ang SSC-R at Mapua sa parehong 10-8 win-loss kartada kung saan pag-aagawan nila ang huling semis slot sa playoff ngayong Martes.

Muli namang nilampaso ng Letran Knights ang Emilio Aguinldo Generals, 87-79 upang tapusin ang elimination round bilang third seed sa 12-6 slate.

Sa juniors’ division, tinambakan ng top seed San Beda Red Cubs ang Lyceum Junior Pirates, 111-82 para makopo ang pang-17 panalo sa 18 laro habang nagwagi naman ang Letran Squires kontra sa EAC Brigadiers, 92-74, para masungkit ang pang-walong panalo sa 18 laro.

vuukle comment

SAN BEDA RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with