^

PM Sports

NLEX suwerte sa bagong import

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maganda ang balik ng ginawang pagsugal ni coach Yeng Guiao sa paghugot kay NBA veteran Manny Harris.

Nagpasabog si Harris  ng 45 points kasama ang 12-of-13 shooting sa foul line para banderahan ang NLEX sa 117-111 pagpapatumba sa Columbian sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagdagdag sina JR Quiñahan at Kiefer Ravena ng 15 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa ikalawang sunod na panalo ng Road Warriors at itaas ang baraha nila sa 5-1 sa ilalim ng TNT Ka-tropang Texters kasunod ang San Miguel Beermen.

“We took a big gamble actually,” sabi ni Guiao. “Olu (Ashaolu) was really doing well for us. So this is a good risk. but after one game it’s worth the risk.”

Pinatibay din ng tropa ni Guiao ang pag-asa nilang makasama sa eight-team quarterfinal round.

Nadiskaril naman ang hangarin ng Dyip na makuha ang kanilang ikalawang dikit na ratsada sa anim na laban.

Muntik mabasura ang inilistang 17-point lead, 83-66, ng NLEX sa huling 3:21 minuto ng third period matapos makatabla ang Columbian sa 104-104 sa likod nina No. 1 overall pick CJ Perez, import Khapri Alston at Jackson Corpuz sa 1:59 minuto ng fourth quarter.

Tumipa ng tatlong free throws si Quiñahan kasunod ang agaw ni Ravena kay Perez na nagresulta sa 3-point play ni Harris kay Alston sa natitirang 37.4 segundo para sa Road Warriors.

Pinamunuan ni Perez ang Dyip mula sa kanyang 21 points kasunod ang 20, 19, 18 at 12 markers nina Corpuz, Alston, Juami Tiongson at Reden Cela, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with