^

PM Sports

Tiu ‘di makapaniwala

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si batikang mentor Stevenson Tiu matapos makatikim sa wakas ng kampeo-nato sa PBA D-League.

Ikatlong subok na ito ni Tiu sa kampeonato at tulad ng kasabihan ay sa ikatlong beses niya naisakatuparan sa wakas ang matagal ng pangarap sa prestihiyosong pro-league sa bansa matapos ang 63-60 Game 3 win ng BRT Sumisip Basilan – St. Clare kontra sa Marinerong Pilipino kamakalawa upang pagharian ang Foundation Cup.

“Ito ang wish ko eh for how many years nako sa D-League. Palagi akong second place. Ang tagal kong hinintay ito,” ani Tiu.

“Masarap sa feeling dahil  gaya ng sinabi ko. I’ve been here in D-League for 5-6 years at puro semis, quarters at finals runner-up lang.. This is the first time I won. It may be destined to me.”

Dati nang hinawakan ni Tiu ang Jumbo Plastic team subalit hanggang quarterfinals lang ang ina-abot nila.

Nitong nakaraang taon, nabigyan ng dalawang tsansa si Tiu na manalo na ng D-League title subalit kinapos ang Che’Lu Bar and Grill nang dalawang beses din sa dalawang Conference Finals kontra sa  Aspirants’ Cup winner Zark’s-Lyceum at Foundation Cup champion na Go For Gold – College of St. Benilde.

At bagama’t underdog ngayon kontra sa paboritong Marinero at aminadong hindi ganoon kalakas ang BRT squad kumpara sa kanyang mga dating koponan na puno ng beterano, ngayon niya naisakatuparan ang pa-ngarap dahil sa puso at kagustuhan ng mga bataan – na siyang naging x-factor sa tagumpay.

“Ang feeling ko pa nga, hindi pa malakas tong team ko kaysa sa mga previous team ko. Obviously, panay vete-rans ‘yun, magagaling. Ang sinasabi ko lang, ibi-nigay sakin nitong mga bata ‘yung buong heart nila, passion nila,” aniya.

“Hindi bumitaw ‘yung mga bata. The players did not give up kahit pagod na sila. They believed.”

Dahil dito, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Tiu na panatilihin ang core ng koponan para sa misyong makasukbit ng mga susunod pang championships.

“If given a chance. But we still have to talk kung anong plan ng ma-nagement sa susunod na tournament. For now, ‘di naman masama magce-lebrate muna kami. Ang tagal kong inantay ito eh,” pagtatapos niya.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with