Go For Gold, PCSO naniniwala sa mga suportadong atleta
MANILA, Philippines — Umaasa ang Go-for-Gold at Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa magandang kampanya nina Margielyn Didal (skateboarding), Nikko Huelgas at Kim Remolino (triathlon), Daniel Ven Carino at Ismael Grospe Jr. (cycling) sa darating na 30th Southeast Asian Games dito sa Pilipinas ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11.
Hinikayat ni PCSO general manager Royena Garma ang mga atletang sinusuportahan ng Go for Gol at PCSO na kunin ang gintong medalya sa Sea Games.
“I believe our athletes are all very well prepared and highly motivated. I’m sure that we will have a very good performance,” sabi ni Go-for-Gold Godfather Jeremy Go sa press conference kahapon sa Contis, Shaw Boulevard sa Mandalu-yong City.
Ang programa ng Go-for-Gold ay isang corporate responsibility ng Powerball Marketing and Logistics Corporation for sports ang gumagawa ng Scratch it! game cards sa pangangasiwa ng PCSO bilang mother company.
Bukod kina Didal at Huelgas, ang iba pang inaasahang magpakitang gilas sa 2019 Sea Games ay ang Philippine national sepak takraw team, Philippine Skateboarding at national dragonboat squad na nag-uwi ng limang gintong medalya mula sa world championships na ginanap sa US noong nakaraang taon.
Kabilang din sa sinusuportahan ng Go-for-Gold ay ang mga siklestang sina Jonel Carcuerva, Ronnel Hualda, Edmhel Flores (mountain bike) at ang national wrestlers na sina Cadel Hualda at Margarito Angana na kapwa mga naka-tanggap ng parangal mula sa Siklab Sports Youth Awards noong nakalipas na buwan.
Dumalo rin sa press briefing sina PCSO PSDD manager Roger Ramirez, PCSO chief of staff Emz Ubales at Phi-lippine Sea Games Organizing Committee (Phisgoc) sports director Karen Tanchangco-Caballero, ang presidente ng Pilipinas Sepak Takraw Association.
- Latest