^

PM Sports

Baste vs Arellano sa huling semis slot

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maghaharap ang San Sebastian Stags at Arellano Chiefs habang magtatagpo naman ang Mapua Cardinals at Perpetual Help Altas ngayon para pag-agawan ang huling Final Four berth sa Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Cardinals (8-8) ang Altas (5-11) sa alas-12 ng tanghali na susundan ng pagtutuos ng Stags (9-7) at Chiefs (4-12) sa alas-2 ng hapon. Pipilitin pa rin ng St. Benilde Blazers (7-9) na manatiling buhay ang pag-asa sa muling pakikipagtagpo sa Jose Rizal Heavy Bombers (4-12) sa alas-4 ng hapon.

Tatlong koponan pa lamang sa pangunguna ng undefeated San Beda (17-0), Lyceum (13-4) at Letran (11-6) ang pumasok sa Final Four kaya bukas pa ang pintuan para sa San Sebastian, Mapua at St. Benilde para sa huling semis slot.

Kung magwawagi ang San Sebastian laban sa Arellano at mabibigo ang Mapua sa Perpetual Help, makukumpleto na ang Final Four cast kahit manalo pa ang St. Benilde sa JRU.

Kahit matatalo nga-yon, may pag-asa pa rin ang Mapua na kailangang manalo sa St. Benilde gayundin ang San Sebastian laban sa Perpetual Help sa huling araw ng elimination sa Biyernes.

Sa juniors division, target ng UPHSD Junior Altas (6-10) ang pangpitong panalo kontra sa Mapua Red Robins (3-12) sa alas-8 ng umaga habang asam naman ng SSC-R Staglets (9-7) ang ika-sampung panalo sa paghaharap sa Arellano Braves (9-6) sa alas-10.

Asam naman ng CSB-LSGH Greenies (9-7) ang pang-sampung panalo rin laban sa JRU Light Bombers (8-8) sa huling laro sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with