^

PM Sports

The Centurion nahirapang manalo sa PRHTAI-Tilaok

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA,Philippines — Pahirapan na nakuha ng liyamadong The Centurion ang panalo sa PRHTAI-Tilaok TV Trophy Race ng PHILRACOM-RHBC Class 3 (40-46) matapos manalo via photo finish kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Umarangkada sa largahan ang The Centurion na sinakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the year awardee O’Neal P. Cortez pero nagpumilit ang Honeywersmypants na makuha ang unahan.

Tumutok ang The Centurion sa bumabanderang Honeywersmypants subalit papasok ng far turn ay gumalaw na ang winning horse para kumuha ng unahan.

Bahagyang nahirapan ang The Centurion sa pagkuha ng bandera kaya nagkaroon ng pagkakataon ang second choice na Sheer na makalapit papasok ng home turn.

Tatlong kabayo ang lamang ng The Centurion sa rektahan at kitang-kita na sumasandal na ito sa balya kaya naman malalakas na kayog at palo ng latigo ang ipinatikim ni Cortez sa kanyang sakay upang umigkas pa ito ng bahagya.

“Mabuti na lang may natitira pang lakas ang The Centurion kaya nakaraos kami,” saad ni class A rider Cortez. “Kung may isang hakbang pa malamang inabot kami,”

Dineklarang close finish ang karera at makalipas ang ilang minuto ay hinirang na panalo ang The Centurion.

Nakopo ng connections ng The Centurion ang added prize na P20,000 mula sa Philippine Racing Commission.

Sumegundo ang Sheer, tersero ang Tubig At Langis habang pumang-apat ang Indian Warrior.

Inirehistro ng The Centurion ang 1:25 minuto sa 1,400 meter race.

Samantala, nagwagi naman sa PRHTAI- PHILRACOM Trophy Race (Division 1) na pinasibat sa pang-apat na karera ang outstanding favorite na Helushka.

Hindi na pinaporma ng Helushka ang mga nakatunggali nang pagkakuha ng bandera ay tuluy-tuloy na ito sa finish line.

Nirendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, inirehistro ng Helushka ang impresibong tiyempo na 1:23.2 minuto sa 1,400 meter race.

Humamig ng P20,000 ang may-ari ng Helushka na si Johnny Y. Tionloc, dumating na segundo ang My Jopay habang pangatlo at pang-apat ang Weemissjerre at Kapayapaan, ayon sa pagkakasunod.

Nakabulaga naman sa PRHTAI- Mr. Rogelio “Boyet” Aguila Trophy Race (dating trainer) ang dehadong Nabighani.

Sinilat ng Nabighani ang liyamadong Gee’s Song kaya kumalawit ang owner na si Atty. Narciso Morales ng P20,000 na premyo mula sa PHILRACOM.

Pangalawa ang Gee’s Song, pangatlo ang Red Gold habang pang-apat ang Baby Galore.

Sinakyan ni class B jockey Jericho Serrano ang Nabighani.

vuukle comment

PRHTAI-TILAOK TV TROPHY RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with