^

PM Sports

Batang Pier binuhay ang tsansa

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pabirong sinabi ni coach Pido Jarencio na ma­laki na ang kanyang na­gagastos para sa ma­ma­­haling pagkain ng kanyang NorthPort team.

Ito ay para makaahon sila mula sa apat na sunod na kamalasan.

“Ilang beses na akong nagpapa-steak sa pagkain para lang manalo kami,” sa­bi ni Jarencio.

Kahapon ay natapos ang magkakasunod na ka­­­biguan ng Batang Pier makaraang talunin ang Phoenix Fuel Masters, 80-70, sa 2019 PBA Go­ver­­nor’s Cup sa Smart Ara­­neta Coliseum.

Kumolekta si power forward Mo Tautuaa ng 16 points, 9 rebounds at 4 assists pa­ra sa 2-4 baraha ng NorthPort at buhayin ang ka­nilang tsansa sa eight-team quarterfinal round.

“Maganda iyong ga­la­wan, maganda ‘yung ini­laro, maganda ‘yung de­pensa, sana magtuluy-tu­loy na lang,” wika pa ni Ja­rencio.

Nabigo naman ang Phoenix na mailista ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo at nahulog sa 2-5 ang kanilang marka.

Maagang itinala ng Ba­tang Pier ang 13-point lead, 31-18, sa first quarter bago naagaw ng Fuel Masters ang 61-60 benta­he mula sa jumper ni Jason Perkins sa 9:10 minuto ng fourth period.

Muli namang napasa­kamay ng NorthPort ang kalamangan sa 72-65 ga­ling sa free throw ni Ke­vin Ferrer sa huling 3:01 mi­nuto ng laro.

Ang split ni import Eugene Phelps ang mu­ling nagdikit sa Phoenix sa 68-74 sa 1:46 minuto.

Matapos ang dala­wang free throws ni Tautuaa ay natawagan ng offensive foul si Perkins pa­ra sa Fuel Masters.

Ang resulta nito ay ang basket ni import Mychal Ammons na naglayo sa Ba­tang Pier sa 78-68.

Tuluyan nang nakalayo ang NorthPort sa 80-68 matapos ang tirada ni Ferrer sa natitirang 24.1 segundo.

Nakahugot ang Ba­tang Pier ng 14 points kay Paolo Taha kasunod ang 12 at 11 markers nina Ammons at Garvo Laneta, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Alex Mallari ng 15 points para sa Phoenix.

 

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with