^

PM Sports

Semis asam ng Petron

Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Tangka ng Petron Blaze Spikers ang ikalawang semis berth habang manatiling malinis ang karta ang pakay ng league leader na Cignal sa pagtutuos nilang dalawa ngayon sa 2019 Philippine Superliga (PSL) Invitationals sa Caloocan Sports Complex.

Alas-2 ng hapon magkikita ang dalawang powerhouse na tropa na susundan ng labanan sa pagitan ng F2 Logistics at Generika-Ayala sa alas-4 at alas-6 ng gabi naman ang duwelo sa Marinerang Pilipina at PLDT.

Nakopo ng HD Spi-kers ang unang semifinals seat matapos iposte ang kanilang ikalimang sunod na tagumpay nang lunurin ang PLDT noong Huwebes, 25-22, 25-19, 25-20 sa Malolos Sports and Convention Center.

Pinangunahan ni national team member Mylene Paat ang tropa sa panalong ito nang mag-rehistro siya ng 18 puntos, mula sa 14 attacks, 3 blocks at 1 ace at muli siyang aasahan sa huling laro nito sa eliminations.

Makakasama ni Paat sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, Alohi Robins-Hardy, Ranya Musa, Mumay Vivas, Roselyn Doria at Jheck Dionela.

Malinis pa rin na 4-0  karta ang hawak ng Blaze Spikers matapos nitong walisin ang Marinerang Pilipina, 25-22, 25-22, 25-8 noon ding Huwebes sa Malolos at ang kanilang panalo ang magtutulak sa kanila sa knockout semis.

Sasandal uli ang Petron kina Ces Molina, Sisi Rondina, Angel Legacion, Bernadeth Pons, Aizo Maizo-Pontillas, Rem Palma, Carmela Tunay at Denden Lazaro. (FJ)

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with