^

PM Sports

3 Pinoy players sa ABL Top 10

John Bryan Ulanday - Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy ang nahirang ng ASEAN Basketball League na bahagi ng prestihiyosong All-Time Top 10 Players nito sa ginanap na seremonya kamakalawa sa 2019-2020 ABL Season Launch sa Conrad Manila.

Ito ay sina Bobby Ray Parks Jr, Leo Avenido at Jerick Cañada na umukit ng kasaysayan sa ABL para sa iba’t ibang koponang pinaglaruan nila hindi lamang para sa Pilipinas.

Bago ang kanyang pag-akyat sa PBA, pinagharian ni Parks ang ABL nang magwagi bilang Local MVP sa tatlong sunod na taon. Siya pa lamang ang tanging ABL player na nakagawa ng ganoong karangalan. Dinagdagan pa ito ni Parks ng ABL championship at Finals MVP award noong 2018 para sa San Miguel-Alab Pilipinas.

Beterano naman ng liga si Avenido simula nang maitayo ito noong 2009. Naglaro ang dating PBA player din na si Avenido sa San Miguel Beermen, Brunei Barracudas, Singapore Slingers, Saigon Heat at Mono Vampire.

Siya rin ang nagwagi bilang MVP noong 2013 sa parehong taon na ginabayan niya ang SMB sa kampeonato. Swak sa no.5 all time scoring list si Avenido at tumanggap na rin ng ABL Lifetime Achivement Award.

Sumungkit naman ng dalawang kampeonato si Cañada para sa Indonesia Warriors at Hi-Tech Bangkok City bukod pa ang Finals MVP plum noong 2014.

Sinamahan ang tatlong pinoy nina Wong Wei Long, Mario Wuysang, Attaporn Lertmalaiporn, Steve Thomas, Xavier Alexander, Chris Charles at Marcus Elliot.

vuukle comment

ABL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with