^

PM Sports

Gilas tumodo na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumodo na ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG) matapos ang kumpletong attendance ng 15-man training pool nito sa unang pagkakataon.

Dumalo kamakalawa ang lahat ng mga bata ni coach Tim Cone na sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Greg Slaughter at Art dela Cruz  sa pagbabalik ng ensayo nila sa Meralco Gym matapos magpahinga bunsod ng ginanap na out-of-country games ng 2019 PBA Governors’ Cup sa Dubai, UAE noong nakaraang linggo.

Matapos hindi makasama sa unang training noong nakarang Lunes bunsod ng iniindang injury, nakipag-ensayo na sa wakas ang five-time MVP na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

Kumpleto na ang puwersa ng Gilas dahil sa pagda-ting ni Fajardo na sinamahan ng kanyang mga kasangga sa Beermen na sina Chris Ross, Marcio Lassiter at Christian Stanhardginer.

Dumalo rin sa training sina Vic Manuel ng Alaska, Matthew Wright ng Phoenix, Troy Rosario, Jayson Castro at RR Pogoy ng TNT gayundin ang Barangay Ginebra core ni Cone na sina LA Tenorio, Stanley Pringle, Scottie Thompson, Art Dela Cruz, Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

Inaasahang magpapatuloy ang kumpletong training ng Gilas sa susunod na Lunes dire-diretso na hanggang SEA Games na gaganapin dito sa bansa mula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Samantala, nabawasan ng pro-problemahin ang Gilas Pilipinas sa tangka nitong masungkit ang ika-18 na basketball title sa SEAG matapos ang biglaang pagtanggal ng Indonesia kay resident PBA import Denzel Bowles bilang naturalized player nito.

Kinumpirma ng Indonesia basketball federation, ayon sa ulat ng detik.com ang pag-alis ni Bowles sa koponan bunsod ng problema sa chemistry kasama ang national teammates nito gayundin ang pag-adjust sa sistema ni head coach Rajko Toroman.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with