^

PM Sports

SBU tangkang pigilan ng CSB

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang laro na lamang ang layo ng undefeated San Beda Red Lions para ma-sweep ang double-round eliminations gayunpaman handa naman ang St. Benilde Blazers na pigilan ito sa kanilang nakatakdang paghaharap ngayon sa Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ang malinis na 16-0 win-loss kartada, haharapin ng three-peat champion Red Lions ang Blazers (7-8) sa alas-2 ng hapon na susundan ng pakikipagtagpo ng San Sebastian Stags (9-6) at Mapua Cardinals (7-8) sa alas-4 ng hapon.

Sa juniors division, tangka ng SBU Red Cubs (15-1) ang pang-16 panalo sa pakiki-pagtipan sa CSB-LSGH Greenies (9-6) sa alas-10 ng umaga at maghaharap din ang SSC-R Staglets (8-7) at Mapua Red Robins (3-11) sa alas-12 ng tanghali.

Kung magtatagum-pay ang Red Lions sa kanilang asam na sweep, magiging step-ladder ang format ng semifinal round kung saan maghaharap muna ang No. 3 at No. 4 qualifiers at ang magwawagi ay lalaban sa No. 2 patungo sa best-of-three Finals.

Pagkatapos ng laban ng St. Benilde mamaya, ang huling laro ng tropa ni coach Boyet Fernandez ay kontra sa season 94 runner-up at pumapa-ngalawang Lyceum Pirates (12-4) sa Oktubre 17 sa parehong venue.

Ang paghaharap nilang ito ay para na ring preview sa inaasahang ikatlong sunod na Finals showdown ng dalawang koponan kung saan dinomina ng Red Lions ang Pirates sa nakalipas na dalawang taon.

Sa ibang laro, pipilitin naman ng Mapua Cardinals na manati-ling buhay ang asam na semis berth at bumawi sa kanilang 68-92 talo sa mga kamay ng San Sebastian Stags sa first round ng elims noong Hulyo 16.

vuukle comment

BASKETBALL

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with