^

PM Sports

Motolite nakabangon

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng Motolite Volleyball ang kanilang two-game losing skid at bumalik sa win-column nang alpasan nito ang PetroGazz Angels sa 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11 sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gumana nang husto ang dalawang wing spikers ng tropa na sina Tots Carlos at Bern Flora sa fifth set ng laro na umakay sa Motolite na makuha ang ikawalong panalo nito sa 13 laro at makasosyo sa 8-5 baraha ang BanKo-Perlas na kalaban ang Choco Mucho as of presstime.

Nagrehistro ang dating University of the Phi-lippines (UP) stalwart na si Carlos ng 20 puntos, kabilang ang apat na puntos sa decider, 21 digs at 15 receptions habang nag-ambag naman si Flora ng siyam na marka.

Tumipa rin sina Isa Molde at Aie Gannaban ng 12 at 10 marka, ayon sa pagkakasunod, sa larong tumagal ng isang oras at 56 minuto habang may tatlong puntos at 24 excellent sets.

Naging dikit pa ang laban pagpasok ng fifth kung saan umalagwa ang PetroGazz para kunin ang 7-5 na lamang pero agad sumagot ang Motolite na umariba tungo sa 12-9 bentahe sa tulong nina Molde at Flora at ang off the block kill ni Carlos ang tumapos ng laro.

Tumapos ng 14 puntos si Jonah Sabete para sa Gazz Angels, na nahinto ang eight game winning-streak at bitbit ngayon ang 9-3 na karta sa ilalim ng wala pa rin talong Creamline (12-0). 

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with