^

PM Sports

PetroGazz walang balak magpaawat

Fergus E. Josue Jr. - Philstar.com

MANILA, Philippines — Tangka ng PetroGazz Angels na hatakin ang kanilang ratsada sa siyam na sunod na panalo para makalapit sa semifinals sa pagbangga nito sa Motolite sa pagpapa-tuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang dalawang tropa bandang alas-4 ng hapon na susundan ng bakbakang BanKo Perlas Spikers at Choco Mucho Flying Titans sa alas-6 ng hapon.

Nadagit ng Gazz Angels ang ikawalong sunod nitong ratsada nang takasan nito ang mas beteranong PacificTown-Army Lady Troopers, 25-14, 20-25, 14-25, 25-13, 15-7 noong Sabado sa Iloilo City para kumapit sa ikalawang puwesto sa 9-2 record sa likod ng semifinalists nang Creamline (12-0).

Wala man ang isa sa mga ace spiker nito na si Paneng Mercado sa huling laro nito sa Iloilo ay hindi pa rin napigilan ang pag-ariba ng tropa at ipinahiya ang Lady Troopers.

Sasandal uli ang 2019 Reinforced Conference champions kina Mercado, Jovielyn Prado, Djanel Cheng, Jonah Sabete, Jeannette Panaga, Cherry Nunag at Cienne Cruz.

Sa panig naman ng Motolite, pakay nito na matuldukan ang kanilang back-to-back loss na nagpadulas sa kanila mula ikatlong puwesto patungo sa ikaapat na puwesto hawak ang 7-5 karta at makabalik sa win-column ng liga.

Huling nabigo ang tropa ni coach Godfrey Okumu sa mga kamay ng Flying Titans noong nakaraang linggo, sa loob ng apat na sets, 25-19, 21-25, 15-25, 26-28.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with