^

PM Sports

Tigresses, Lady Falcons simula na ang giyera

Fergus E. Josue Jr. - Philstar.com

MANILA, Philippines — Simula na ng bakbakan ng UST Golden Tigresses at Adamson Lady Falcons para sa inaasam na korona ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Collegiate Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magbabanggaan ang dalawang Collegiate squads sa alas-11 ng umaga matapos ang Battle of Third match ng Ateneo Lady Eagles at CSB Lady Blazers sa alas-9 ng umaga.

Dumaan sa butas ng karayom ang Golden Tigresses at Lady Falcons sa kani-kanilang semifinals series bago nila kapwa nanakaw ang dalawang upuan sa finale ng liga.

Sa tapatang UST at Lady Eagles, unang umariba ang mga taga-Katipunan nang dagitin nito ang Game 1 ng semis, 25-15, 26-28, 25-16, 25-18, bago bumawi ang mga taga-España sa Game 2, 24-26, 25-18, 25-17, 25-17, para maipuwersa ang isang ‘do or die’ Game 3 kung saan naalpasan nila ang determinadong Lady Eagles, 20-25, 25-20, 25-16, 19-25, 16-14.

Ipaparada muli ng UST ang magkapatid na sina Eya at EJ Laure katuwang ang rookies na sina Imee Hernandez at Janna Torres kasama rin sina Kacelyn Galdones, Mafe Galanza, Rachelle Roldan at Riza Martin.

Ibabandera ng Lady Falcons ang sophomore na si Trisha Genesis, kasama sina Lucille Almonte, Ceasa Pinar, Lorene Toring, Louie Romero, Rizza Cruz at Cae Lazo.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with