^

PM Sports

Justine Baltazar may pinapatunayan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Unti-unting pinapatunayan ni Justine Baltazar na isa siya sa mga susunod na higanteng bibitbit sa Philippine basketball matapos ang makasaysa-yang performance sa umiinit na 82nd UAAP men’s basketball tournament second round.

Miyembro ng Gilas Pilipinas cadets, muling ipinamalas ng 6-foot-7 na si Baltazar ang kanyang kalibre nang magtala ng pambihirang 25 puntos at 25 rebounds sa 85-61 dominasyon ng La Salle Green Archers sa NU Bulldogs.

Ito ang unang beses sa loob ng 11 taon na nakatabo ng halimaw na 20-20 game ang isang local na manlalaro sa UAAP, bagay na madalas magawa lang ng mga foreign athletes.

“When was the last time a local had a 25-25 in the UAAP? I mean, again, ‘yan ang resulta ng ginagawa ni Balti (Baltazar) during practices. He really works hard. He takes care of his body and it shows in the game,” ani La Salle head coach Gian Nazario.

Huling nagawa ng local UAAP player ang 20-20 game noong 2008 pa sa katauhan nina Jervy Cruz ng UST at Rabeh Al Hussaini ng Ateneo.

Nagtala noon si Cruz ng 26 puntos at 22 rebounds na sinundan niya ng 28 markers at 20 boards habang hindi naman nagpahuli sa 33-20 game si Al Hussaini sa parehong season.

Para naman kay Baltazar na dating MVP ng UAAP juniors, resulta lang aniya ito nang walang humpay na pagpapalakas sa ensayo na tuwang-tuwa siyang nadala naman sa laro lalo’t isa na siya sa beterano sa La Salle.

“Ginagawa ko lang kung ano ‘yung ginagawa ko sa practice. Isa na rin kasi ako sa beterano sa La Salle. Kailangan kong tulungan yung mga teammate ko lalo na yung mga rookies. Ginagawa ko lang ‘yung best ko,” ani Baltazar. “Nage-extra ako sa practice. Inaaral ko kung saan ako mahina at inaalagan ko yung katawan ko.”

Ang lahat ng ito, ayon kay Baltazar, ay pagha-handa niya upang maging opisyal na miyembro na ng GIlas Pilipinas sa hinaharap.

“May time na darating na makakapaglaro rin ako. Talagang maghahanda lang talaga ako,” pagtatapos ni Baltazar na siya ring tinanghal na Chooks-to-Go -- Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week.

vuukle comment

JUSTINE BALTAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with