^

PM Sports

Meralco kinuryente ang Phoenix

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nang masibak si head coach Louie Alas sa second period ay nawala rin sa laro ang Phoenix.

Sinamantala ito ng Meralco Bolts para patumbahin ang Fuel Masters, 111-94 at ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinaas ng Meralco ang kanilang kartada sa 3-1 para masolo ang ikaapat na puwesto habang nahulog naman ang Phoenix sa pang-apat nilang kabiguan sa 5-laro.

“Maganda ‘yung defense namin, maganda ‘yung offense namin, kumbaga nagtulungan lahat kami,” sabi ni guard Baser Amer, kumolekta ng 26 points, 4 assists at 4 steals. “Iyong Phoenix hindi naman mada-ling kalaban iyan eh. Sinabayan lang namin at binilisan namin ‘yung laro.”

Humakot si two-time PBA Best Import Allen Durham ng 27 markers, 12 rebounds at 3 assists habang nakumpleto ni Chris Newsome ang triple-double sa tinapos na 13 points, 12 boards at 11 assists.

Napatalsik si Alas sa 7:31 minuto ng second quarter matapos makuha ang ikalawang technical foul kung saan naghahabol ang Fuel Masters sa 25-32.

Isinara ng Bolts ang first half bitbit ang 52-37 abante bago umarangkada sa third period sa pagtatayo ng 72-48 kalamangan mula sa three-point shot ni Durham sa huling 3:39 minuto nito.

Lalo pang tinambakan ng Meralco ang Phoenix sa inilistang 27-point lead, 88-61, makaraang magsalpak si Nards Pinto ng dalawang magkahiwalay na triples sa gitna ng basket ni center Raymond Almazan sa 10:37 minuto ng final canto.

Ilang beses nagtangkang makalapit ang Fuel Masters, ngunit naroon sina Amer at Newsome para hadlangan ito.

 

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with