^

PM Sports

Gilas pahinga muna sa training

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pahinga muna ngayon ang Gilas Pilipinas sa kanilang weekly training para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Sa Huwebes pa inaa-sahang magbabalik-ensayo ang Gilas, lagpas isang buwan pa bago ang SEA Games na nakatakda dito sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kagagaling lang kasi ni head coach Tim Cone gayundin ang lagpas kalahati ng 15-man Gilas Pilipinas pool sa out-of-country 2019 PBA Governors’ Cup games sa Dubai, UAE.

Nais ni Cone na bigyan muna ng pahinga ang mga naturang manlalaro mula sa mahabang Middle East trip bago sila tumodo sa training camp para sa misyong madepensahan ang SEAG basketball crown lalo’t maglalaro sila sa harap ng Filipino homecrowd.

Nakasama ni Cone ang anim niyang manla-laro sa Ginebra na sina Art Dela Cruz, Scottie Thompson, Stanley Pringle, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

Galing din sa Dubai sina Christian Standhardinger, Chris Ross, Marcio Lassiter at June Mar Fajardo ng San Miguel.

Dumayo ang PBA sa Dubai sa unang pagkaka-taon mula noong 2012 upang ilapit lalo ang liga  sa mga OFWs doon lalo’t ang UAE ang isa sa mga bansang may pinakamaraming Pilipino.

Itinampok ng PBA ang banggaang San Miguel Beer at NLEX sa unang laban na pinagwagian ng Beermen, 98-94.

Sa sumunod na laban, ibinuhos naman ng Road Warriors ang ganti nito sa Ginebra ni Cone matapos bumalik mula sa 28 puntos upang maitakas ang 113-111 panalo sa overtime.

Inaasahan ni Cone ang kumpletong 15-man Gilas pool sa Huwebes sa Meralco Gym pa rin. Kasama rin sa pool sina Jayson Castro, Troy Rosario at RR Pogoy ng TNT gayundin sina Vic Manuel ng Alaska at Matthew Wright ng Phoenix.

 

 

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with