^

PM Sports

Union Bell iniwan ang mga kalaban

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinisiw ng outstan-ding favorite na Union Bell ang mga nakatunggali upang sikwatin ang panalo sa 2019 PHILRACOM “1st Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes Race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Union Bell pero ipinaubaya nito ang bandera sa Bulwagan sa unang 50 metro ng laban.

Nauna ng tatlong kabayo ang Bulwagan papasok ng far turn habang nasa likuran ang Union Bell na nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the year Jonathan B. Hernandez.

Bago sumapit ng hometurn ay kumukuha na ng unahan ang Union Bell habang ang Bulwagan ay unti-unti nang nauupos kaya naungusan na rin ito ng Lucky Sa-vings at Exponential.

Limang kabayo agad ang inilamang ng Union Bell sa rektahan at uma­bot pa sa anim pagtawid sa meta, sumegundo ang malakas rumemateng Make Some Noise, tersero ang Lucky Savings at pumang-apat ang Exponential.

Inirehistro ng Union Bell ang tiyempong 1:11 minuto sa 1,200 sapat upang hamigin ng may-aring Bell Racing Stable ang P600,000 na premyo.

Nasubi ng puma-ngalawang Make Some Noise ang P225,000, napunta ang P125,000 sa Lucky Savings habang ang fourth placer na Exponential ay P50,000 ang kinubra.

Inabutan din ng P30,000 ang breeder ng winning horse mula sa Philippine Racing Commission at binigyan naman ng trophy sina Hernandez at trainer Danilo Sordan.

Samantala, sinilat ng Creme Brule ang liyamadong Speak Easy sa PHILRACOM - RBHS Class 3 na pinasibat sa unang karera.

Kinapitan ng Creme Brule ang unahan sa largahan at pagsapit ng backstretch ay inagaw ng Ava’s Tale ang bandera pero sandali lang nito nahawakan dahil binawi rin agad ng winning horse.

Pagkabawi ng una-han ay tumuluy-tuloy na sa finish line ang third choice favorite na Creme Brule para angkinin ang karagdagang P20,000 na premyo.

Nagtala ng 1:17.4 sa 1,300 meter race, tinawid ng Creme Brule ang meta na may apat nakabayo ang distansiya sa nase­gundong Speak Easy.

Pangatlong dumating ang Oktubre Katorse, pang-apat ang Dugong Bughaw habang pang-lima ang Chocolate Thunder.

Hindi naman binigo ng Expensive ang mga liyamadista matapos manalo sa Condition Race category 23 na inilarga sa pangalawang karera.

Pangalawang tumawid ng meta ang Aston Martin habang third at fourth ang Blue Sapphire at Hunyo Disenueve ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

UNION BELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with