^

PM Sports

Creamline asam ang semifinals

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng Creamline Cool Smashers na masikwat ang ika-12 sunod nitong panalo at manakaw ang unang upuan sa semifinals sa pagbangga nito sa Choco Mucho Flying Titans ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference sa San Agustin Gym sa Iloilo City.

Itataya ng nagdedepensang Cool Smashers ang malinis nitong 11-0 baraha kontra sa Flying Titans sa alas-4 ng hapon matapos ang labanang PetroGazz at PacificTown-Army sa alas-2.

Mas tumatag pa ang kapit ng Creamline sa top seed ng torneo matapos nitong madagit ang ika-11 sunod na tagumpay noong Linggo nang lunurin nito ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers, 25-15, 25-16, 25-18.

Pero para kay vete-ran spiker Michele Gumabao, hindi nila masyadong tinitignan ‘ang standings dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang kanilang mga makakalaban.

“All boils down to preparation, hindi naman kasi kami ‘yung type na nagre-rely sa standings. Each and every game kung sino man ‘yung ka-tapat namin, same preparation and same effort pa rin,” ani Gumabao.

Sasandalan muli ng Creamline ang kanilang malalim na hanay sa pa-ngunguna ni Alyssa Valdez, kasama sina Gumabao, Jema Galanza, Pau Soriano, Risa Sato, Jia Morado at Kyle Atienza.

Pakay naman ng Flying Titans na maiposte ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Nadagit ng Choco Mucho ang ikaanim nitong tagumpay sa 12 asignatura nang gulatin at bawian nito ang kanilang first round tormentor na Motolite noong Miyerkules, 19-25, 25-21, 25-15, 28-26.

Ipaparada uli ng Flying Titans ang top scorer na si Kat Tolentino kasama sina Maddie Madayag, Acy Masangkay, Shannen Palec, Kim Gequillana, Shang Berte at Bang Pineda.  

vuukle comment

CREAMLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with