^

PM Sports

Phl volleybelles wagi sa Vietnam

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kakaibang angas ang pinakita ng Philippine national team nang lunurin nito ang Vietnam, 25-21, 25-23, 25-21 para sa  una nilang panalo sa se-cond leg ng 2019 ASEAN Grand Prix sa Sta. Rosa Multi-purpose Sports Complex sa Laguna.

Sinamantala ng Nationals ang homecourt advantage at muling di-nuplika ang ginawa nilang pamamahiya sa Vietnam sa first leg sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Bumandera para sa balanseng opensa ng Pilipinas ang nagbabalik national team na si Alyssa Valdez na kumolekta ng 14 puntos at 6 receptions, katuwang sina Ces Molina at Mylene Paat na nagrehistro ng tig-13 marka.

“Siyempre sobrang happy. Thank you kay Lord siyempre Siya ang strength namin. Nakaka-proud yung team. Siyempre advantage kasi nandito tayo sa homecourt natin,” wika ni national team head coach Shaq delos Santos. “And siyempre yung puso na ipinakita ng mga players knowing na ‘yung preparation hindi ganoon katagal pero nakakatuwa kasi pinu-push talaga nila ang sarili nila. Kung ano ang mga plano, ang mga pinag-usapan nandun.”

Sunod na makakaharap ng Nationals ang powerhouse na Thailand ngayong araw, alas-3 ng hapon, pero mawawala  sina Valdez, Jia Morado, Maddie Madayag at Jovelyn Gonzaga na lilipad patungong Iloilo City dahil sa kanilang club commitments.

 

vuukle comment

VIETNAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with