^

PM Sports

Hunk actor pinagkakalat ang sukat ng sandata ‘pag nalalasing!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Pero kapatid mas malaki raw

‘Kaloka naman ang hunk actor na ito kapag nalalasing, pati pala sukat ng kanyang “sandata” ay naikukuwento niya, huh!

Nasabi raw kasi ni hunk actor na hindi naman kalakihan ‘yon. Na enough lang daw, pero ‘yung kapatid niyang nag-aartista na hunk din, ‘yon daw ang “gifted”.

Na-appreciate kaya ng kapatid ni hunk actor ang kadaldalan niya?

Sabi naman ng mga bading, mas may appeal daw sa kanila si kuya kahit pa nga sinabi nito na mas may maipagmamalaki ang kapatid.

Well...

ABS-CBN may pasabog!

May pa-presscon ang ABS-CBN on Sunday.

May “special announcement” daw sila.

Kanya-kanyang speculation ang mga pinadalhan ng imbitas­yon.

May kinalaman daw kaya ‘yon sa renewal ng franchise ng TV network?

Is it a new show na ayaw muna nilang ipaalam?

O may lilipat daw kaya sa Dos from another network?

Well, abangan na lang on Sunday ng mga bandang 2:30PM dahil ni clue ay wala silang ibinigay tungkol doon, huh!

Love Radio tuloy ang pag-ere

Kahapon ay kapalitan ko ng PM (private message) ang radio DJ na si Nicole Hyala.

“Lavaaaaaarn lang po” ang isinagot niya sa akin nang kumustahin ko siya at ang mga taga-Love Radio.

Si Nicole kasi ang station manager ng nasabing FM radio network na nadamay sa sunog sa Star City noong Wednesday ng madaling araw.

Nasa Ortigas Center na muna ang Love Radio at tuluy-tuloy na silang napapakinggan.

Isa sa pinakasikat na radio DJs si Nicole at celebrity talaga ang dating niya!

Sabi ni Nicole, maraming memories sa kanila ang nasabing lugar na sobra nilang mami-miss dahil sa sunog noong Wednesday.

Jolo at Angelica kinuhang ninong sa kasal si Sen. Bong Go?!

Ang Instagram story ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla kung saan ay dinalaw nila ng fiancé na si Angelica Alita si Senator Bong Go.

Mukhang isa si Sen. Go sa mga kinuha nilang magni-ninong sa nalalapit nilang kasal sa Pelican Hill sa Newport Beach, California sa December.

Sa mga posting ni Jolo, obvious na sobrang inlove sila ni Angelica sa isa’t isa.

Ang bongga!

‘Yun na!

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with